


Sa isang malawak na parang sa ilalim ng tirik na araw, masayang nagpatakbo-takbo at nagpalipad ng saranggola si Juan.
"Nakakapagod maglaro", reklamo ni Juan na tagaktak ang pawis at hinihingal pa.
"Kung napapagod ka, lumapit ka sa akin", alok ng puno. "Magpahinga ka sa aking lilim at ika'y mapreskuhan."
Sinunod ni Juan ang puno at doon nakaramdam siya ng lamig. "Magmula ngayon ikaw na ang aking matalik na kaibigan," wika ni Juan sa puno.


Labis na ikinatuwa ng puno ang narinig mula kay Juan. "Maraming salamat! Matagal ko nang gustong magkaroon ng kaibigang tao. Magmula ngayon, kapag ikaw ay napapagod at naiinitan, lumapit ka lang sa aking lilim at handa akong handugan ka ng presko at malinis na hangin".
Mula noon naging magkaibigan sina Juan at ang puno. Tuwing malungkot si Juan lumalapit siya sa kanyang kaibigan at abot-kamay naman siyang dinadamayan ng puno.

Isang araw, umiiyak na lumapit si Juan sa puno. "Tinutukso ako ng mga bata sa aming looban, ayaw nila akong kalaro dahil lampa raw ako", sumbong ni Juan sa kanyang kaibigan.
"Huwag kang malungkot aking kaibigan, sa akin ka na lamang makipaglaro. Maaari kang maglambitin sa aking malalabay na mga sanga upang ikaw at mawili at masiyahan".
Ito ay nagdulot ng labis na kasiyahan sa kanila at lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan.

Lumipas ang panahon, naging binata na si Juan. "Malungkot ka na naman aking kaibigan", wika ng puno nang mapansing malungkot ang mukha ni Juan habang nagpapahinga sa lilim nito. "Ang mga kaibigan ko kasi palaging may bagong damit, sapatos at pantalon.", sumbong ni Juan. "Gusto ko rin sanang magkaroon ng bagong gamit kaso wala naman akong pera para mabili ang mga ito."
"Huwag ka nang malungkot kaibigan, hayaan mong matulungin kita", wika ng puno.


















Nagtataka si Juan sa wika ng kaibigang puno. "Paano mo ako matutulungan, hindi ka naman nakakaalis sa lugar na ito at tiyak na wala kang maibibigay na pera sa akin."
"Tama ka, wala nga akong maibigay na pera, subalit may magagawa akong tulong para ikaw ay magkapera."
Sa araw ding iyon, ibinigay ng puno ang kanyang matatamis na bunga upang may maibenta si Juan sa palengke. Sa paraang ito, magkakapera si Juan at mabibili na ang mga gusto niya. Labis na ikinatuwa ng puno dahil natulungan niya ang kanyang kaibigan.





Dahil sa mga bungang handog ng puno, nabili ni Juan ang mga gamit na gusto niya. Ang bahagi ng perang kinita ni Juan ay ginamit rin niya sa pangingibang bayan upang makipagsapalaran at mahanap ang magandang kapalaran.


Sa pagbabalik ni Juan ay may dala na siyang mapapangasawa. "Magandang araw kaibigan, matagal tayong hindi nagkita.", bati ng puno kay Juan. "Akala ko nakalimutan mo na ako.", pagtatampo ng puno.
"Magandang araw rin sa iyo aking kaibigan, hindi kita nakalimutan, naging abala lamang ako sa pagtupad ng aking mga pangarap.", sagot ni Juan. "Sana ay natupad mo ang iyong mga pangarap.", masayang wika ng puno.
"Natupad ko naman ang ilan sa aking mga pangarap, magiging asawa ko na rin ang bababeng aking pinapangarap, kaya lang...", wika ni Juan.

- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(3)
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $4.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $4.99+) - DOWNLOAD
- LIKE (3)
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE(3)
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem

COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!