Ang kwentong inyong matutunghayan ngayon aygawa't likha ng dalawang estudyanteng nagngangalang Venus
at Aldraine.
Sana kayo'y matuwa at masiyahan.
SALAMAT PO.
This book was created and published on StoryJumper™
©2010 StoryJumper, Inc. All rights reserved.
Publish your own children's book:
www.storyjumper.com






Noong unang panahon sina Ana at Adrian ay
labis na nagsisikap sa pagtatrabaho upang
mabuhay. Sa umaga sila ay nasa bukid upang
magsaka. Si Ana ang naghahanda ng pagkain at si
Adrian naman ang nagtatanim.










Isang araw habang nasa gubat si Adrian upang
mangahoy. Nakita niya ang isang makislap na bagay.
Parang ginto ang bagay na kumikinang pero higit
itong matingkad at maliwanag.

Naisipan niyang gumawa ng sorpresa para kay Ana.
Matapos ang ilang araw, nakagawa si Adrian ng
isang magandang palamuti sa buhok, kwentas, at
singsing. Lubos na natuwa si Ana sa regalo ng
kanyang kaibigan.







Makalipas ang isang linggo, may isang taong nagbalita sa
kanila na may paparating na bagyo. Sabi ng tao, "Ang
bagyo ay nagdulot ng isang buwang pag-ulan sa ibang
lugar."



Sina Adrian at Ana ay labis na nataranta sa nabalitaan.
"Alam mo ba kung ilang araw pa bago dumating ang
bagyo dito?" tanong ni Ana sa tao. Sagot ng tao, "Sa
loob ng tatlong araw bubuhos ang malakas na ulan."




Agad sinabihan ni Adrian si Ana na maghanda na
mag-ani ng kanilang pananim. Makalipas ang isang
araw, naani na lahat ang tanim.

Tapos sinabi ni Ana, "mabuti nalang at nakapag-ani
na tayo, kung hindi ay mahihirapan tayo sa malakas
na ulan."

Pagkatapos ng dalawang araw, ang mga pananim na
bungangkahoy sa kagubatan ay naani na nina Ana at
Adrian.










Ang kanilang bahay ay naayos na rin ni Adrian upang
maging matibay laban sa malakas na hangin.

"Kaibigan kailangan nating
bayuhin ang mga naaning palay
upang tayo ay may makain."
Ang sabi ni Adrian.



Isang araw nalang ang natitira upang sila magbayo
ng naaning palay upang maging bigas, ngunit dapit
hapon ay hindi pa sila natatapos.






Ang mga ulap ay naging
mababa dahil sa kawalan ng
sikat ng araw.
Si Ana ay pagod na rin dahil sa
mga kwentas, palamuti sa
buhok, at singsing na
nakakaabala sa kanya. Inilatag
niya ito sa pinakamalapit na
puting ulap.



Bago sumikat ang araw natapos ng magkaibigan ang
kanilang gawain. Pumatak ang tubig ulan na hudyat
ng simula ng bagyo.

Ang hangin ay humahampas na parang galit na
alon sa dalampasigan. Ang mga puno ay halos
mapaluhod sa lakas.

Nang pumasok sina Adrian at Ana sa kanilang
bahay, umihip ang malakas na hangin.Naalala ni Ana
ang kanyang mga alahas.
You've previewed 23 of 36 pages.
To read more:
Click Sign Up (Free)- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE(5)
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
- DOWNLOAD
- LIKE (5)
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
LIKE(5)
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem

COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!