Ang aklat na ito ay para sa mga anak ng guro. Mapalad tayo dahil ang nanay natin ay guro. Guro sa paaralan pati na rin sa bahay kaya mahalin natin sila at ingatan. Wala silang kapantay na kahit ano pa man.

Mabait at magaling ang Nanay ko! Kahit na pagod, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtuturo.
“Magandang umaga po, Titser!” Iyan ang laging bati ng kaniyang mga mag-aaral kay Nanay.
Si Nanay ang guro ng mga mga mag-aaral sa ikalawang baitang.
Si Nanay ang kanilang pangalawang magulang sa paaralan. Kapag may problema ang mga mag-aaral, kay Nanay sila agad lumalapit.


“Titser, nawawala po ang lapis ko,” ang sabi ng isang mag-aaral. “ Titser, kinukulit po ako ng katabi ko,” reklamo naman ng isa pang mag-aaral. “Titser, naiwan ko po ang baon ko sa bahay,” sabi ng isa pang mag-aaral.
Siguro kung ako si Nanay, nataranta na ako sa dami ng mga hinaing nila. Pero siyempre, hindi ang Nanay ko. "Sige-sige, huwag kayong mag-alala, masosolusyonan natin ang lahat ng iyan,” ang mahinahong sagot ni Nanay sa kanila.
Halos buong araw nasa paaralan si Nanay.



At kapag nakauwi na si Nanay sa aming bahay ay binibigyan ko agad siya ng halik para mapawi kahit paano ang kaniyang pagod.
“Kumusta ka Nanay, napagod po ba kayo?” ang tanong ko sa kaniya. “Hindi naman masyado, anak. Nakakapagod man pero parte ito lahat ng aking trabaho. Mahalagang matutong magbasa at magsulat, gayundin ng kagandahang asal ang mga bata,” sagot niya.
Lagi itong pinapaalala sa akin ni Nanay.
Ang kahalagahan ng pag-aaral at ang kabutihan ng ugali.
“Salamat po, Nanay,” ang sabi ko sa kaniya.
“Bakit ka naman nagpapasalamat Anak?” tanong niya sa akin. “Dahil isa po kayong inspirasyon para sa akin at sa lahat ng iyong mga mag-aaral,” ang sagot ko sa kaniya. At niyakap ko nang mahigpit na mahigpit ang aking Nanay.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors

- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) -
BUY THIS BOOK
(from $2.99+) - DOWNLOAD
- LIKE
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem

COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!